Lagi
kong naikukumpara sa ballpen
ang
isang relasyon
pakapipiliin
mo sa tindahan
susubukan
sa mga scratch paper
hanggang
sa matagpuan ang nais
na
siyang pakaiibigin sa mga unang gamit
pakamamahalin
hangga’t magandang isulat
magandang
ihaplos sa papel, maganda ang kapal o nipis ng tinta
at
pakaiingatan kahit mumurahin lamang.
Ngunit
ang nakalulungkot
sa
ilang ulit na pagsusulat
ilang
ulit itong mababagsak
at
di iyon maiiwasan
isang
beses, dalawa, tatlo, apat
mahina,
malakas, mababa, mataas.
Ilang
ulit itong mababagsak
at
hindi mo alam, walang nakaaalam
kung
muli pa itong susulat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento