Hindi
ako gagaya sa ibang tao
(baka
kasama ka rito)
na
gumagamit sa gabi at ulan
bilang
pagtutulad sa kawalang-pag-asa
o
metapora ng mabibigat na hamon
ng
buhay na batbat ng dusa.
Hindi
ako gagaya sa kanila
(maaring
isa ka sa kanila)
sapagkat
ganap kong nauunawaan
na
may dalang kaligayahan
ang
kalungkutang dala ng ulan
na
kaibig-ibig na himig
ang
hatid ng gabing tahimik.
Hindi
ako gagaya sa iba
(sana,
di ka kabilang sa kanila)
sapagkat
mga hangal silang di nakauunawa
na
sa ulan at gabi
marami
ang maligaya
at
napaghihilom ang sarili.
may pinatatamaan ka pare...?
TumugonBurahin