Makalipas makipaglamay
sa burol ng isang kaibigan o kakilala lamang
o ng isang noon lamang nakilala, noong
patay na
may nadarama akong kakaiba
mahiwaga
parang pighati, parang hindi
mahiwaga.
At sa pag-uwi, kung naglalakad o nasa
dyip
kung nag-iisa o may kasama
parang may sinasabi sa akin ang hangin
at parang anumang saglit
sa pinakasaglit mang pagpikit
may biglang dadakma sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento