Maraming
talinghagang mahuhugot sa gabi
sa
dingding na dilim, sa di mabilang na bituin
sa
koro ng mga kuliglig, sa uyaying hangin
sa
paiba-iba nang hugis na buwan
sa
malakas na tinig ng katahimikan.
Maraming
talinghagang mahuhugot sa gabi
ngunit
ang totoo
hindi
mo iyon hinuhugot sa gabi
tinutulungan
ka lang nitong
hugutin
ang mga iyon
sa
mga sulok sa iyong sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento