Talaga
namang iingatan ninuman ang kanyang sarili
sabihan
man siya o hindi
ng
“Ingat,” o “Take care,”
makikipagtulakan
pa rin siya sa pagsakay sa LRT
tatakbo
pa ring paakyat sa footbridge
tatalon
sa pagbaba sa bus
hindi
tatawid sa tamang tawiran
kung
ang mga ‘yon ang nakasanayan.
Walang
mag-iiba
sa
paraan ng pag-iingat at pagdadahan-dahan
ninuman
sabihan
man siya o hindi
ng
“Take care,” o “Ingat,”
ngunit
sa sigla ng kanyang kaluluwa
makikita,
malaki ang pagkakaiba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento