Paano
ba magpaalam
sa
isang taong nasa pagitan
ng
pagiging kakilala’t kaibigan?
Sapat
na ba ang isang mahiwagang ngiti
isang
pisil sa kamay
isang
tapik sa balikat
isang
yakap, isang akbay?
O
bayaang mga mata na lamang
ang
magsabi ng lahat-lahat?
Paano
ba magpaalam
sa
isang taong nasa pagitan
ng
pagiging kakilala’t kaibigan?
O
kailangan pa nga bang
maglaan
pa ng ilang sandali
gayong
di naman alam
kung
magkikita pang muli?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento