Bahagyang nakalapat sa unan ang likod ng nutritionist
na si Eleona, habang nanonood siya ng balita. Umalis saglit ang asawa niya,
bumiling mineral water. Ang ibinabalita ay ang pagkagunaw raw ng mundo sa
Disyembre 21, 2012, ayon sa kalendaryong Mayan.
“S’yempre po, natatakot din,” sabi
ng isang taxi driver.
“Kinakabahan din po,” wika ng isang
babaeng sa porma, parang titser. “Natatakot.”
“Hindi po sana, kaso sa mga
naririnig, natatakot na rin,” sagot ng tindera sa footbridge.
Gusto rin niyang maramdaman ang gayong
takot. Pero hindi niya madama.
Napatingala siya sa puting-puting
kisame, parang labanos, parang singkamas. Napahawak siya sa batok niya, at
ilang buhok na naman ang nalagas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento