Walang nakauunawa
kung
paano natin binalangkas ang ating pagsasama
kung
gaano katagal pinagpatung-patong ang mga tisa
at
inilagay ang pundasyon
kung
gaanong tatag ang hiningi ng ating katatagan
kung
ilang hapunan ang pinilit ubusin
kung
ilang gabi tayong nagdasal nang umiiyak
kung
sa ilang kanta natin natagpuan ang mga sarili
kung
ilang luha ang inaksaya
kung
matatawag nga iyong “pagsasayang.”
Walang
nakaaalam ng kuwento
sa
likod ng mga latay natin, sugat, galos.
Kaya
ngayong hindi ko maihakbang ang mga paa ko
palayo
sa nalalantang punong
tayo
ang nagpalaki at matagal nating
kinasalampakan
hindi
na ako magtataka
na
sarili ko lang ang nakauunawa sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento