Kasama ka sa maraming piraso ng panaginip ko
malaking
bahagi ka ng aking pagkatao.
Alam
na alam ko ang paborito mong pagkain
ang
paborito mong banda at pelikula
ang
paborito mong kulay, paboritong bansang pasyalan
ang
iyong mga libangan
kung
saang lungsod ka lumaki
kung
saan nag-aral, kung paano ka matulog
ano
ang iyong tinapos, ang iyong mga pangarap.
Kasama
ka sa maraming piraso ng panaginip ko
malaking
bahagi ka ng aking pagkatao.
Hindi
mo alam
kung
paano kumislap ang aking mga mata
o
kung paano kumurba ang aking mga labi
tuwing
makikita kita sa malalaking billboard
o
mapanonood sa telebisyon, masisilayan sa diyaryo
mapakikinggan
sa radyo ang tinig mo.
Hindi
mo alam
kung
gaano ko kakilala ang tinig mo
ang
itsura ng iyong likod.
Hindi
mo alam kung ano ka sa akin.
Hindi
mo alam ang kahulugan.
Kasama
ka sa maraming piraso ng panaginip ko
malaking
bahagi ka ng aking pagkatao.
Alam
ko, inuunawa ko, tinatanggap
matagal
na matagal na
na
malamang, di kita makita
malapitan,
mahawakan ang mga kamay mo
masamyo
ang iyong bango.
Ngunit
kasama ka pa rin sa maraming piraso ng panaginip ko
malaking
bahagi ka pa rin ng aking pagkatao
kahit
wala ako
sa
pinakamaliit mang hibla ng iyong alaala
hindi
nasangkot
sa
isa man sa pinakapangkaraniwan mong araw
kahit
di mo alam ang paborito kong kulay
o
ang aking pangalan.
Kasama
ka sa maraming piraso ng panaginip ko
malaking
bahagi ka ng aking pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento