Minsan, madalas ito kung gabi, kung
nag-iisa
o kung may hinahanap na di alam kung ano
nararamdaman ko
malungkot ang hanging bumabangga, humahalik
yumayakap sa akin.
Matagal ko ring inisip
kung saan kaya kinukuha ng hangin
ang mga dalamhati
kung paano niya ‘yon pinapasan
kung saan niya ‘yon dinadala.
At ngayong iniwan mo ako
at pabangga-bangga ang hangin sa balat
ko
naisip ko, talaga nga kayang
may pasan-pasang lungkot ang hangin
o sa atin lang siya kumukuha ng
dalamhati?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento