Marunong na si Hanna ng Fookien, mahusay na rin siya sa English, at magaling-galing sa Filipino. Pero nakukulangan pa rin siya, gustong-gusto niyang matuto ng Spanish.
“Greek kaya?” ginagaya ni Aldrich sa
Adobe Photoshop ang mukha ni Eros.
Umiling lang si Hanna, tinitiklop ang
mga statement shirt sa sopa.
“Hebrew?”
Napatingin lang siya sa kasintahan,
tapos, umiling uli.
“Kasali ‘yang mga ‘yan sa top three
oldest languages,” binitiwan ni Aldrich ang mouse. “Maraming words from other
language ang kinopya sa mga ‘yan.”
Tatlong wika na ang alam niya, pero
di niya alam ang sinasabi ng kasintahan. Top three?
Nang magsimula siyang mag-aral ng Spanish,
nanghinawa siya sa pakikipagrelasyon. Nakipaghiwalay siya kay Aldrich. Pumayag
ito, ni wala halos sinabi. Kinabukasan, may nakita siyang kahon sa apartment
niya. T-shirt ang laman, may nakasulat, di niya maintindihan— Ego Mos Te Requiret, Meum Es Vita.
At hindi na niya uli nakita ang
ex-boyfriend.
Ego Mos Te Requiret, Meum Es Vita— Latin, "Mami-miss kita, ikaw ang buhay ko."
Ego Mos Te Requiret, Meum Es Vita— Latin, "Mami-miss kita, ikaw ang buhay ko."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento