Mamaya,
alam ko, pagsapit ko
sa
mundong di naipaliliwanag
sa
daigdig na doon lang nauunawaan
doon
na ang lahat ay biglang naglalaho, lumilitaw
nag-iiba-iba
ng hugis, nagpapalit-palit ng kulay
may
di nakikitang batas
muli
kitang makikita
maaring
sakay ng kabayong
may
mga pakpak ng gamu-gamo
o
magdidikit-dikit ang mga pilik-mata
at
mabubuo ka
o
lalabas sa aking tainga.
Maaring
masayahin kang muli
o
lumuluha, mahina, o palangiti
maaring
nakablusa ka, nakasaya
nakamaong,
nakahubad.
Subalit
di na mahalaga ang mga ito
sapagkat
tiyak, doon
sa
mundong di nauunawaan
wala
nang takot
hihilingin
kong yakapin mo ako, halikan
kahit
doon man lamang
kahit
doon na lamang
sa
mundong di nauunawaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento