Sabi sa isang pahayagan
dalawampung puno ang
kailangan
para maalis ang carbon
monoxide at sulfur dioxide
na ihinihinga ng
tambutso ng kada sasakyan
at malamang, iba
uli’ng usapan
pag ang aalisin naman
hininga ng mga
tsimineya ng pabrika.
Dalawampung puno kada sasakyan daw ang kailangan
para muling umaliwalas
ang alapaap
luminis ang mga kaluluwa
maalis ang lansa ng
lipunan.
Ang problema, dito sa Pinas
hindi dalawampung puno
ang meron
kundi milyong taong
napupuno ng galit at poot
sa gobyernong masahol
pa sa lason ang polusyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento