Ginawa
kitang bahagi ng zipper ng backpack,
hindi
para madaling buksan o isara,
kundi
bilang dagdag na ganda.
Ngunit
sa LRT,
sa
gitgitan, tulakan, sa sikip,
hindi
ko inakalang ikaw pa
sang
magiging kasangkapan
upang
mabuksan ng iba ang bag
nang
gayong kadali, kabilis.
Kaya’t
sa paghahanap sa pitaka,
sa
pagkagulat, pagkatunganga,
naisip
kong ganito bang talaga,
may
dalang kapangitan ang mga ganda?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento