Ni
gasinulid, hindi ko batid,
kung
paano ako pabobobohin
ng
kupas na jeans at ordinaryong t-shirt;
ni
kung paano patatalinuhin
ng
kurbata, ng magandang longsleeve,
ng
makintab na sapatos na itim;
kung
paano aayusin ng malinis na gupit
ang
mga klase at mga quiz;
kung
paano guguluhin ng mahabang patilya
ang
mga panuto’t paliwanag.
Hindi
ko batid, hindi ko alam.
Hindi
ko naiintindihan.
Wala
akong nauunawaan.
Subalit
ito ang malinaw sa akin:
nilikha
ng tao ang damit
upang
ikubli ang kanyang katawan,
ngunit
ngayon, utak niya ang natatakpan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento