Minsan,
pasahero tayo
sa
pangarap ng ibang tao,
mga
taong ating gusto,
mga
pinaniniwalaan, mga kaibigan,
nangangarap
nang para sa kanila,
naghihintay
sa pagdating sa destinasyon,
nakikiamot
ng ligaya.
Minsan,
pasahero tayo
sa
pangarap ng ibang tao,
at
kung sila’y mabalaho’t
piliing
huwag nang magpatuloy
o
mag-iba ng ruta,
kabilang
tayo sa mga nadidismaya
o
nadidisgrasya.
* Para kay J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento