Sa
pakikitulog sa ibang bahay,
mapapansing
iba ang boses ng mga bentilador,
iba
ang hilik ng refrigerator,
ang
pinag-uusapan ng mga butiki,
ang
inaawit ng mga kuliglig.
Iba
ang nakaakbay na dilim,
ang
lamig,
ang
init,
ang
hiwaga,
ang
hangin.
Iba,
parang may nadagdag,
parang
may nawala,
parang
may kulang.
Mayroon
kang hinahanap,
hinahanap-hanap.
At
ito,
ito
ang pangunahing katangian
ng
tinatawag na “tahanan.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento