May
tuwa tayong nararamdaman
pag
tinatawag tayo sa ating pangalan,
ng
kaibigan, ng kapalagayang-loob,
higit
kung ng isang estranghero.
May
galak tayong nararamdaman
pag
tinatawag tayo sa ating pangalan,
‘pagkat
nakikita natin sa kanila
ang
ating mga kapatid, tatay, ina,
mga
nawalay na kaibigan,
mga
eksena sa nakaraan.
May
saya tayong nararamdaman
pag
tinatawag tayo sa ating pangalan,
parang
nagiging bahagi natin sila,
at
parang hinahaplos nila,
banayad,
ang
ating kaluluwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento