Gusto kong malaman mong
bahagya
ko lang nasisilip ang iyong ngiti
at
ang biglang pamimilog ng iyong mga mata
at
pagbuka ng bibig
tuwing
ang iniiwan mo sa screen
ay NC EN
SI
EN
LANG
AT SI
na
di makitang mabuti
ang
kislap ng mga bituin sa iyong mga titig
kung ang tanging nandoo’y
TNX TI
EN EKS
TI
LANG
AT
EN AT EKS
o TY TI
WAY
TI
LANG
AT WAY
na nagiging daplis lang
ang dapat sana’y mahinang tapik sa
balikat
kasunod ng pagpapasalamat
pag ang tanging nakikita’y
WC DOBOLYU
SI
DOBOLYU
LANG
AT
SI
di ganap na madama
ang pisil sa kamay
o saglit na yakap
sa natatanging araw
kung ang bumubungad
ay HBD EYCH
BI DI
EYCH
LANG
AT
BI AT DI
Gusto kong ipabatid
I PA BA
TID:
sa pagtitipid sa titik
humihina
HU
MI HI NA
o nawawala
NA
WA WA LA
ang mensahe ng pag-ibig PAG- I BIG
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento