Nagugulat
ako,
pag
may nakikitang dating kaibigan, sa Facebook,
doon
sa gilid, sa “People you may know.”
Nagugulat
ako,
iba
na’ng itsura nila:
may
pumuti, may tumaba, may gumanda,
may
umitim, may pumayat, may bumata,
may
pumanget, may halatang yumaman,
may
nagmukhang matanda.
Ang
hirap paniwalaang sila ‘yon,
‘yong
dating kalaro ko sa maghapon,
‘yong
dating nagpapaiyak sa akin
at
isinusumbong ko sa mama’t papa ko,
‘yong
dating pinapaiyak ko.
Pero
rito ako hindi nagulat,
na
sa “People you may know” ko sila natagpuan,
na
roon nila ako makikita,
dahil
alam na alam ko, alam na alam nila,
hindi
na namin kilala ang isa’t isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento