Naniniwala
akong mahusay na tulay
ang
musika, papuntang nakaraan.
Kaya
pag may naririnig na awit,
bigla
tayong nababalik,
ayaw
man natin o ibig, sa mga panahong
madalas
itong mapakinggan
at
muling madarama ang mga nadama noon,
saya,
poot, galit, tuwa, takot
at
di nauunawaan
o
walang pangalang mga emosyon.
Naniniwala
akong mahusay na tulay
ang
mga musika.
Marahil,
sapagkat pinahihintulutan silang
maging
makapangyarihan
ng
ating kaluluwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento