Batid kong sa ngalan na
lamang ng pagsasama
ang patitimpla mo
sa akin ng kape kung
umaga.
Isinasabay sa kape ng
mga bata,
sapagkat ayaw nating
mapaso
ng kanilang pag-uusisa.
At batid kong batid mo,
sa ngalan na lang din
ng pakikisama ang
pag-inom ko.
Hindi malayo sa ating
hapunan
na kinakain natin nang
mekanikal
kaya walang bango at
linamnam.
Kaya ba sila lumilikha
ng rabaw na
mapag-uusapan,
ramdam nilang nanduduro
ang katahimikan?
At hindi ko alam kung
iyong nababatid,
iniinom ko ang kape
kung wala nang init.
Para sanayin ang
sarili, marahil
sa dati ay ganap mong
pag-ibig
ngunit malaon nang
lumamig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento