May
salaysay itong munting sining
na
sa bag ay lalambi-lambitin.
Maaaring
sagisag ng sarili,
paraan
ng pagsigaw sa mga bagay
na
hindi pa rin masabi.
Maaaring
payak lamang na hilig,
paris
ng tanawing laging iniibig.
Maaaring
abot ng kaibigan—
ng
dating kaibigan—
na
lumamig na ang pagmamahal,
at
ang pagpapasalubong paminsan-minsan,
pabalat-bunga
na lamang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento