Matamlay
na ang mga tindang
pumpon
ng bulaklak.
Nalulusaw
na ang mga tsokolate
at
bagsak na ang presyo
ng
ibinebentang mga lobo.
Gusto
nang umuwi ng tindera,
na
dumadalas na ang pagpikit
at
sumisigla ang paghikab.
Mangilan-ngilan
na lang
ang
magkasintahang naglalakad
nang
magkahawak-kamay
o
magkaakbay.
May
ilan pa ngang nag-aaway.
Maluwag
na sa mga lansangan,
madali
nang makahanap
ng
masasakyan.
Tinatanggal
na ng espesyal na araw
raw
ang
ipinahid sa kanyang kolorete,
itinatanghal
ang mukhang
walang
ipinag-iba sa karaniwan.
Bukas,
lanta na ang mga rosas.
Bulok
na ang mga talulot
na
matatapak-tapakan sa daan.
Nito
natin balikan
ang
kailangan nating pagmamahalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento