Ito
ang araw-araw kong
dinaraanang
lansangan.
Maya
bata pa ring
nagkakalkal
ng basurahan
at
naroon pa rin
ang
matandang nilalangaw,
naghihintay
na lang
ng
kamatayan.
Nakabandera
pa rin
sa
mukha ng pahayagan
ang
mga larawan
ng
kawalang-katarungan.
Ito
ang araw-araw kong
dinaraanang
lansangan.
Marami
ngayong
nagtitinda
ng tsokolate,
lobo,
bulaklak.
Ngunit
wala pa ring
namamahagi
ng
pagmamahal.
2/14/17
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento