May mga kuwentong
tulad ng mangga,
pilit pinipitas, iniaasa
sa kalburo ang lahat.
Magkasamang ibabalot sa
diyaryo
ang kuwento at kalburo.
Mapapangiti rin sa
tamis
ang sinumang kakain,
ngunit maghahambing
at may hahanap-hanapin.
Dahil sadyang iba pa
rin
ang manggang
hinog sa puno nang
pitasin.
7/4/17
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento