Marami itong
pinagmulan,
kapwa natin alam.
Ilang buwan nang
hindi mo ako
ipinaghahanda ng almusal.
Laging ulam kagabi
ang baon ng aking
katawan,
panlaban
sa maghapong
tunggalian.
Nakakawalang-gana ang
kaning-lamig,
at nangungulila ako
sa dati ay regular mong
sinangag.
Mabango, mainit,
masarap.
Bukas, hindi na ako
mag-aalmusal.
At sana ay maunawaan,
kung isang araw
sa ibang bahay na
maghapunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento