Huwag
isiping wala siyang dunong,
hindi
karapat-dapat sa kanyang posisyon
at
digri at politika lamang
ang
naghatid sa kanya sa tugatog.
Laging
tingnan ang kapangyarihan
at
dahas ng pagkakagulang.
Tingnan
ang kabilang anggulo.
Kagaya
nito, maaaring nang una
ay
kaparis ka niya
inaapawan
ng pangarap at ideya.
Ngunit
naduwag sa mga panginoon
at
mga pumapanginoon,
natakot
sa hindi patas na kompetisyon.
Kaya
ipinalingkis ang sarili sa sistema.
Lagi
siya ngayon sa opisina,
nabubuhay
sa pagpirma.
Hindi
na siya guro
ngunit
ang gaya niyang Senyor Pasta
ay
marami sa iyong ituturo.
3/6/17
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento