Katakutan siya, hindi
lamang
sa
kawalang-paninindigan;
na kung mananalo sa
laban
ang mga lumilipad,
sasabihing siya ay ibon
sapagkat may mga
pakpak;
na kung mananalo ang
mga hayop
na apat ang paa
ay lalapit sa leong
hari ng gubat,
sasabihing apo siya ng
daga
ituring siyang
kasangga.
Pangilagan siya,
hindi lamang dahil
lumilipad siyang
hunyango.
Higit, sapagkat
nabubuhay siya
sa pag-inom ng dugo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento