Pantas
kang isinakdal
nitong
lipunang pyudal
na
hindi nakauunawang
may
dunong ang mga paslit,
nagpapalagay
na laging tiyak
at
iisa lamang ang tamang landas.
Hindi
maaaring suriin, kuwestiyunin—
panlalapastangang
salungatin.
At
sapagkat nga may karunungan kang
makita
ang kamalian sa tradisyon
ang
maaaring pagkalunod sa pagpapatianod,
sapagkat
batid mong ang lagusan
tungong
paglikha at pag-unlad
ay
ang madilim na yungib
ng
pagsusuri’t pangangahas,
at
sapagkat may tapang kang sumalungat,
hinatulan
ka nilang ibilanggo.
Saka
ipinamalita sa lahat
na
nakatatakot kang kriminal.
Huwag
pamarisan,
huwag
na huwag lalapitan.
Hayaan
mo at darating din ang araw.
Makikita
nilang ang kabuluhan ng karunungan
ay
nasa balikat ng pagsusuri at tapang,
taglay
nilang nagtatagumpay
nilang
kailangan ng sanlibutan.
Palawigin
pa ang iyong pasensiya.
Tandaang
matagal na silang
naagnas
sa bilangguan
ng
sariling
kaduwaga’t
kakitiran.
1/18/17
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento