Narito
na tayo sa panahong
nasa
hula ng mga pilosopo,
ang
siglong
itinitinda
ang mga puso.
Ito
na ang laman ng jingle sa radyo,
ang
kuwento
ng
mga patalastas sa tv,
ang
isinisigaw
ng
mga tindera sa palengke.
Lagi
lang mag-ingat sa paggamit.
Hindi
dekalidad
ang
kanilang materyal.
Sa
sandaling dumulas
sa
kamay,
pupulutin
sa lapag
nang
basag-basag.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento