Minsan,
isang hatinggabing
hindi
ka binibisita ng antok,
subukan
mong bumangon.
Puntahan
sa tahimik na salang
nag-anyong
silid-tulugan
ang
iyong mga magulang.
Marahan,
buksan mo ang ilaw.
Payapa
silang pagmasdan.
Sa
simula, maiingayan ka
sa
kanilang hilik.
Hanggang
makasanayan
ng
iyong tainga, kalaunan.
Ganito
ang huni
ng
mga kuliglig.
Ganito
ang himig
ng
gabing tahimik.
Pakinggan
pang maigi.
Unti-unti
mo na bang naririnig
ang
kanilang mga lungkot
pangamba,
pangungulila at takot?
Na
sa bawat araw ka nilang kapiling
ay
hindi nila naisatinig.
“Anak,
maraming tumutumba sa kalsada,
umuwi
ka nang maaga.”
“Malapit
na kaming mawala
ng
iyong ama.
Matuto
ka nang tumindig
sa
sarili mong mga paa.”
“Anak,
magawa mo pa kaya kaming abut-abutan
kung
humayo ka na’t
magtayo
ng sariling tahanan?”
Sa
nakalilis at tastas
nilang
salawal at mga manggas,
masdan
mo ang kanilang
lumalaylay
nang balat,
mga
kalamnang
nagdamit
sa iyo, nagpaaral.
Ilang
taon pa ang kanilang itatagal?
Ilan
na lang sa kanilang pangarap
ang
tutulong ka sa pagtupad?
Masdan
mo ang kanilang mukha.
Hindi.
Hindi sila ganyan katanda
sa
iyong gunita.
Hindi
na ikaw ang iyaking bata
at
hindi na sila ang matitikas
malalakas
mong magulang.
Sasapit
ang isang umaga,
hindi
ka na makaririnig
ng
kahit anong payo o sita
mula
sa kanila.
Muli,
marahan
patayin
mo ang ilaw.
Pumikit.
Hintayin
ang bibisita sa iyong
mapanglaw
na panaginip.
1/10/17