Mga
ngipin ng zipper
ang
ating mga daliri
nang
magdibdib-sa-dibdib
ang
ating mga palad
dinarama
ang
lambot, kinis, tatag
ng
kamay ng isa’t isa.
Kahapon,
lumisan ka
malinaw
na
wala nang balikan.
Minasdan
ko ang aking mga siha*
nasilip
ko
ang
nagngangang mga sugat
at
malalim na talinghaga.
*puwang sa pagitan ng mga daliri
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento