Kailangan
natin ng bagong pangalan
sa
sandaling pumasok tayo
sa
relasyong tulad nito:
Sweetheart,
Honey, Dear
Mahal,
Darling, Bebe Ko.
Kailangan
natin ng bagong pangalan
iba
sa ngalang kinagisnan
iba
sa nakasanayan
‘pagkat
sa harap
ng
kasintahan
iba
ang ating katauhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento