Hindi
ko na sinubok suriin
ang
pagkadalisay
ng
iyong mga ngiti
ni
pinakinggang mabuti
kung
ano ang dala
ng
sadyang inilalakas na tawa.
Hindi
ko kaya.
Lalong
hindi ako umiling
nang
muli mong kawayan ang waiter
para
sa ilang fried chicken
at
panibagong bucket.
Maaga
pa
may
bukas pa
para
sa nagkalat
na
papel sa mesa.
Alam
ko
mamaya,
sa apartment mo
muli
kang dadalawin
ng
tinatakasan mong multo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento