Pang-apat
na araw mo na ngayon
dito
sa puting bilangguan
walang
kapalit
dahil
hanggang dalaw lamang
ang
pito mong kapatid
pinsan
at
di mabilang na pamangkin.
Ngayon,
nililibang mo ang sarili
sa
lutong ng sky flakes
mararahang
guhit
ng
kapeng three-in-one
sa
iyong lalamunan
pilit
na halakhak
ng
estrangherong mga bantay
masusuyong
halik ng lamig
at
kinis ng mukha
ng
nakaputing mga tagapagligtas.
Kailangan
mo ang ganitong
paglilibang
panlaban
sa
panlalamig
ng
pag-ibig
sa
mga kaanak mo’t
mga
kapatid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento