Ito
lang siguro ang kaya mo
tindang
malulutong na turon
para
sa nangangatog
gutom
na gutom
na
mga nasalanta.
Siguro,
sinalubong ka
ng
mapupungay nilang mata.
Sinabi
sa iyo ng matatanda
“Gagantihan
ka ng Lumikha.”
Isinigaw
ng mga palabiro
“Hindi
lang saging ang may puso!”
Sa
pagtulog mo
siguro,
ihahatid ka ng lamig
at
marikit mong ngiti
sa
pinakamatamis na panaginip,
at
sana, roon
may
magbulong sa iyo nito
“May
lumayang Pilipino
nang
bumukas ang palad mo.”
* para sa Pilipinong nagbigay ng
tindang turon sa mga nasalanta ng bagyong Maring at ng habagat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento