Akyat-baba
baba-taas
sara-bukas
ganito
mo hinihintay
ang
pagtungtong ng alas-singko.
Bahagi
ng paghihintay
ang
pag-idlip ng oras
pagpapang-abot
ng
iyong mga hikab
pagbilis
ng
pagpapalit ng pahina
ng
karamay mong
gusgusing
romance pocketbook.
At
sa pagitan ng mga ito
ilang
ulit mo ring sisilipin
ang
katuturan
ng
papanaw na araw.
*para kay ate na operator ng
elevator sa FEU-EAC.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento