Sa
ganitong panahon
dapat,
nakangiti ako
dinarama
ang kapayapaan
ng
kaluluwa
kiliti
ng lamig
at
tahimik na himig
ng
ulan
habang
nagkakape
at
pinanonood
ang
lumulusog na baha
o
nagbabasa
at
kayakap ng unan.
Ngunit
saan ko
hahanapin
ang saya
kung
alam kong
habang
hinahanap ko ang sarili
ay
laksa
ang
nasa palad ng baha
naghahanap
ng pag-asa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento