Nasa National Book Store si Arnold, isang clerk, tumitingin
ng stapeler. Gusto na niya itong hawak niya, blue at malaki, kaso, namamahalan
siya— P175.75. Pero may mura pa ba ngayon? Nakatingin siya sa repleksiyon niya
sa stapeler. Nahihiya rin kasi siyang manghiram kay Jess, katabi niya sa desk.
Pumila siya sa counter sa tabi ng pinto.
Walang nakapila roon.
“Hi Sir. Good evening. Me advantage
card po?” maganda ang cashier, pati ang boses nito.
“Wa-wala,” nauutal pa si Arnold.
Ngumiti ang cashier, lalo itong
gumanda. Mahaba ang mga pilikmata nito, mamula-mula ang pisngi, maputi ang
balat, may konting split ends ang buhok. Sinipat ni Arnold ang boobs nito.
Maganda. Namimilog. Napangiti siya.
Nagpasikat siya. Hindi niya
ipinaplastik ang stapeler. “Parang help na natin sa nature.”
Ngumiti uli ang cashier.
Pagdating ni Arnold sa office,
naiisip pa rin niya ang cashier— ang pilikmata nito, ang pisngi, ang namimilog
na boobs. Dinukot niya sa bag niya ang stapeler. Alam niya, mas maaalaala niya
ang mukha nito habang nakatingin siya roon. Pero nailabas na niya ang lahat ng
laman ng bag niya, hindi pa rin niya makita ang stapeler.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento