Nagkasabay sa bilihan ng baboy sa Balintawak Market
sina Guday at Angela. Magkaklase ang mga anak nila, mula grade 3 hanggang
fourth year high school— ang panganay ni Guday at ang pangalawa ni Angela. Kaya
madalas din silang magkakuwentuhan, at naging medyo malapit sila sa isa’t isa.
First year college na ngayon ang mga anak nila.
“Do’n pa rin kayo?” dumukot si
Angela ng pera sa bulsa niya— nasa bus na sila.
“Oo,” dumukot din si Guday, pero
nagmabagal siya.
“Marulas, isa,” iniabot ni Angela
sa konduktor ang bayad niya.
Natahimik si Guday, akala pa man
din niya, ibabayad siya ni Angela.
“Musta na si Eric?”
“’Ayun, anlaki nang ipinayat.
Magbibertdey na nga samakalawa, walang handa,” inilagay ni Guday sa pitaka niya
ang tiket.
“Ay, oo nga pala ‘no? Ba’t naman walang
handa. Ipaghanda mo naman.”
“E hindi kaya ng badyet e.”
“Walang kuwentang nanay,”
bumuntong-hininga si Angela.
Napamurilat ang mga mata ni Guday,
at napakuyom ang kanang kamay niya, napiga ang hawak niyang pitaka.
Sa Marulas, bumaba na si Angela.
Pagdating ni Guday sa bahay nila, sa Karuhatan, kinuha niya ang isang pink na
kahon sa dulong ilalim ng kama. At naghanap siya sa mga album nila ng litrato ni Angela.
naguluhan ako.
TumugonBurahinAt naghanap siya sa mga album nila ng litrato Angela. (may typo yata dito di ko lang magets)
TumugonBurahinat hindi nakondisyon ung kuwento para maiparating dun sa ending. ehhehe un lng