At
bakit hindi ako maiinis
sa
badtrip na mga lamok?
E
mga tora-tora silang
walang
paggalang na rumoronda
sa
aking mga tenga
hindi
inirerespeto ang mga pilik-matang
sabik
na sabik na sa pag-iisa.
At
bakit hindi ako magagalit
sa
damuhong mga lamok?
E
napakalinaw sa aking mga mata
ng
iniwan nilang pulang ebidensiya
ng
pagsasamantala
sa
aking mga kamay, hita at paa.
At
bakit hindi ako mapopoot
sa
walanghiyang mga lamok?
E
harapan na sila
kung
magnakaw ng dugo.
At
bakit hindi ako mamumuhi
sa
punyetang mga lamok?
E
nag-iiwan sila sa utak ko
ng
mga larawan ng sangkaterbang politiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento