Lunes, bumili si Fides ng 1 litrong RC
at pinadepositohan sa kanya ang bote.
Martes, pumirma siya ng kontrata sa
kompanya
at naglambitin sa hangin ang mga salita ng
boss nila
“Idedemanda ang hindi tumapos sa
kontrata.”
Miyerkules, humalik ang puwet niya sa
dyip
at sa pinto pa lang, naniningil na ang
barker
naging bahagi siya ng bus na de-aircon
pagkatapos
at sa kalagitnaan ng biyahe
inaya siya ng panaginip ngunit pinigilan
ng inspektor.
Huwebes, pinautang na siya ng kapitbahay
sa kondisyong babayaran niya pati
hininga
ng ipinautang sa kanya.
Biyernes, may pinuntahan silang kompanya
na mga mata ng pinya
ang CCTV camera.
Sabado, narinig niyang sabi ng
telebisyon
“Gawa na sa batas ang mundo
at napisa na ang malaking itlog
lama’y sangkaterbang abogado.”
Linggo, nagbuklat siya ng diksiyunaryo
at nakita niyang pawala-wala
ang salitang “tiwala.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento