Humahanga ako sa palaka
sapagkat sila na kakampi ng tubig at
bukid
kaibigan ng damo at pilapil
at uyayi ng mga magsasaka kung tag-ulan
ay hindi nakakikilala ng kalungkutan.
Gustong-gusto ko silang iniuulam
adobo man o sinampalukan, prito o
ginataan
nilaga man o sinigang.
At hindi ako nandidiri sa kanila
sapagkat sila na batik-batik ang kulay
at mukhang malansa
ay ang tanging kinakain ay insekto
di gaya ng mga baboy
na ang laman ng tiyan ay kung ano-ano.
Hindi ako nandidiri sa kanila
dahil alam kong hindi sila dapat
pandirian.
Sapagkat malinis ang kanilang lamang-loob
at katawan
at mabango ang kanilang mga bisig at
laman
‘pagkat kalikasan ang nag-aruga
sa kanilang kaluluwa.
Tama, kalikasan ang nagpalaki sa kanila
kaya di na kataka-takang pinandidirian
sila
ng mga taga-siyudad na ang kumalinga
ay mga mall at pabrika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento