Nang una, tiningnan ko lang siya
at nang mapansin kong may dalamhati
sa pagitan ng kanyang mga pilik-mata,
tinitigan ko na siya.
Nakatingin din siya sa akin
tahimik na nakatitig, ngunit parang naririnig ko
bigat ng kanyang tinig,
parang humihiling
hatian siya sa lahat ng pasanin.
Naawa ako,
sinabayan ko siya sa pagluha.
May bukas pa, may pag-asa pa
sabi ng mga mata ko sa kanyang mga mata
at ngumiti ako, ngumiti siya
pinunasan ko’ng luha ko’t
pinunasan n’yang sa kanya
at nadama ‘kong dalawang bagay:
ako ang unang magmamalasakit sa kanya
at kailangan kong mag-ipon ng tapang at saya
panlaban sa pighati’t takot niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento