Kahapon, hinampas ko ng hinubad kong sando
rumorondang itim na bubuyog,
nanginginig
na cell phone,
lumapag
sa sahig ang kanyang katawan,
at
natuwa ako.
Kagabi,
binaril ko ng pellet gun ang butiki
sa
dingding ng kubeta,
nagtampisaw
sa kalahating timbang tubig
pakendeng-kendeng niyang buntot,
at
natuwa uli ako.
Kanginang
umaga, inilaglag ko sa kanal
isang ulong tilapyang tadtad
ng
naglalakihang pulang langgam,
nataranta
silang lahat
sa
paghahanap ng tulay ng kaligtasan,
at
natuwa pa rin ako.
Kanginang
tanghali, umuwi uli si Papa
at
iniwan niya uli akong may pasa sa
kaliwang mata,
at umiyak
na naman ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento