Minsan,
binubuluga ako
sa
aking newsfeed
ng
kamatayan.
Magugulat
ang paligid.
Matatahimik.
Mapapatitig
ako
sa
larawan ng namayapa,
masisigla
ang liwanag
sa
kanyang mga mata.
Parang
maaaring
makasalubong
sa kalsada
nang
nakangiti
nang
kumakanta.
Matutuon
ang pansin
sa
salaysay ng naiwan
sa
mga salita
ng
panghihinayang
ng
pakikiramay.
Pagkatapos,
mapapatayo
ako,
maglalakad
sa tabing-bintana.
Hahawiin
ang tahimik na kurtina.
At
ganito lagi ang makikita.
Balisang
mga langay-langayan.
Marahas
na hangin.
Madilim
na langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento