1
Nagpula’ng
ilaw,
nagugutom
na tsuper,
muling
naghikab.
2
S’ya
ay lumipad.
Ngunit
treng walang laman,
dumiretso
lang.
3
Gutom
na’t pagod,
napasandal,
nalanghap,
usok
ng lungsod.
4
Sales
leyding hapo,
wala
uling masakyan.
Tayo
na naman.
5
Hay!
Naupo nga,
sa
sobra namang sikip,
di
rin maidlip.
6
Himbing
nang tulog…
namreno
bigla ang bus…
ginulat
nang untog.
7
Dami
nang pera,
rumagasang
busina,
napapikit
s’ya.
8
Tsabi’ng
babae.
Nakaupong
lalaki,
daling
pumikit.
9
‘Sang
linggo na lang,
mae-endo
na, sa bus,
di
na nagbayad.
10
Himbing
na himbing,
nang
magising, lampas
na
sa babaan.
11
Tayo
na naman.
Kaya
di nakonsens’yang
di
na magbayad.
12
Nagtatawanan,
ang
init na’t siksikan,
di
namalayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento