Lulan na kami ng trak,
kapiling ang mga
kasangkapan.
Mahusay silang
isinalansan,
dahan-dahan
nang walang malaglag
mawasak
mabasag.
Wala silang ipinag-iba
sa gabi.
Tahimik.
Waring kinikilala
ang dinaraanang
kalsada,
tinatandaan
ang nakakasalubong na mga
sasakyan
at nililikuang
lansangan,
ang mga matang
sumasalubong
at naghahatid nang tingin
hanggang
lunukin kami ng dilim.
Nang isa-isa na silang
naipasok sa bahay,
waring
nakatitig pa rin sila.
Tahimik.
Kinikilala
ang estrangherong
kisame
dingding at sahig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento