Ito
ang unang Undas
na
di ka namin
kapiling.
Mahirap
pa ring paniwalaan
ang
lahat,
na
di ka na mayayakap
di
na makakausap
di
maririnig ang halakhak.
Mahirap
pa ring paniwalaang
di
na mamamasdan
ang
kislap
sa
tahimik mong mga titig
sa
sandaling maabot
ang
mga minithi.
Ito
ang unang Undas
na
ikaw
ang
aming binisita.
At
heto kami, Ama,
nakamata
sa
lumuluhang mga kandila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento